Naniniwala ka ba sa second chance?
Ano nga ba
ang second chance? Para sa akin ang second chance ay ang pagbibigay ng
pangalawang pagkakatoon sa isang tao na karapat-dapat ding bigyan na ayusin ang
pagkakamali nito. Nasaktan, naghiwalay, nag-iyakan, umasa at muling nagbalikan
ngunit magigigng tuloy tuloy ba ang pagmamahalan ninyo hanggang sa huli? Maging
maayos kaya ang takbo ng relasyon niyo pagkatapos ng lahat? Kailangan talaga
nating humingi ng kapatawaran dahil hindi habang buhay idadahilan mo na tao ka
lang at nagkakamali. Lahat tayo ay nagmahal at nais na mahalin, lahat tayo ay
nasasaktan at may kaakayahang manakit. Minsan sa ating buhay tayo ay mabibigo
at mapunta sa maling landas kaya nariyan ang
pagpapatawad na parang panliligaw, kailangan mong paghirapan bago mo
makuha ang kanyang kapatawaran. Pero handa mo ba talagang ibigay ang iyong
kapatawaran at bigyan ng isa pang pagkakakataon ang taong minahal mo ng
lubusan?
Masaya,
nakakakilig, exciting; ito ang kadalasang nararamdaman ng mga taong nagsisimula
pa lang na magmahal. Nagpapakilala sa isa’t isa, nagtetext kahit gabi na,
kumakain sa isang restaurant na magara, hatid sundo sa skwela at hanggang sa maging
sila. Hindi maipaliwanag ang nadarama kapag nagkakasama ang dalawang taong
nagmamahalan sa isa’t isa. Walang
katumbas ang kasiyahan ng taong nagmamahal at minamahal. Wala kang pakialam sa
oras at sa mga taong nasa paligid mo dahil ang importante para sa iyo ay ang
sulitin ang pagkakataon na magkasama kayo. Lahat ay susuwayin, lahat ay kaya
mong tiisin dahil para sa iyo lahat ay tama pagdating sa taong mahal mo. Ang
pakiramdam na gusto mong pigilan ang pagtakbo ng oras, yung parang hindi ka dinadalaw
ng antok sa tuwing siya ay iyong kausap. Parang mabubusog ka sa kahit anong
ihain sa iyong harapan basta siya ang
iyong kasama ay walang pag aalinlangan. Yung pakiramdam na nananabik kang
makita siyang muli kahit ilang oras pa kayong nagkawalay at yung pakiramdam na
kinikilig ka kapag binibigyan ka ng iba’t ibang
bagay. Ang lahat ng bagay ay puno ng kasiyahan at pagmamahalan ngunit
hindi mo maiiwasan na may darating na kamalasan na susubok sa inyong samahan.
Kadalasan
sa mga nagmamahal ay dumarating sa punto na hindi na sila masaya at pakiramdam
nila ay nakakasawa na. Maging babae man o lalaki , ito ang kadalasang naging
mali nila. Yung pakiramdam na titingin na sila sa iba, yung parang wala na silang
pakialam sa relasyon ninyong dalawa. Hanggang sa aabot sa punto na mag aaway
kayo ng paulit-ulit at mararamdaman ninyong nakakapagod na. Hindi na kayo nagkakaintindihan,
wala na kayong pakialamanan. Ang masakit pa doon kung sino pa yung nagkasala
siya pa yung may ganang mang iwan. Ngunit paano kung ang bawat pangarap na
magkasama ninyong binuo; pangarap na may halong pangako na kayo parin hanggang
dulo, pangako na “walang magbabago, tayo pa rin mahal ko”, ay bigla na lang maglaho.
Sa bawat matatamis na ngiti sa labi, akala mo ay ang wagas na pagmamahalan ay
walang katapusan. Aaminin man natin o hindi, mayroong kasabihan na “hindi tayo
masasaktan kung wala tayong nararamdaman”. Sa bawat musikang iyong maririnig
kasabay ng tahimik na pagpatak ng iyong luha ay maaalala mo ang inyong masasayang
simula. Yung tipong wala kang ganang kumain at wala kang ganang lumabas dahil natatakot ka na baka
makita mo siyang may kasamang iba. Darating sa punto na tatanungin mo ang
sarili na “ano ba ang nagawa kong kasalanan?” “ano ba ang aking pagkukulang?” akala mo’y sinumpa ka ng tadhana na pakiramdam
mo ang sumpang ito ay hindi na mawawala. “KALIMUTAN” salitang madaling bitawan
pero ang hirap panindigan lalo na kung ang gusto mong kalimutan ay ang taong
minahal mo ng lubusan.
Sa bawat
pagmamahal alam naman nating may pagsubok na dadaan pero huwag naman sana
tayong magpadala sa tukso at huwag nating hayaang masira ang isang
pagsasamahan. Ilang araw, linggo, buwan, at taon kang nagluksa hanggang sa
darating ka na sa puntong masasabi mo na pagod ka na sa kakaiyak, pagod ka na
sa kakamukmok. Pagod ka na sa paggawa ng mga bagay na wala namang saysay. Pagod
ka na sa araw-araw na pag aalalang kakayanin mo ang lahat ng bagay. Naisip mo
na dapat hindi ka na nagpapakulong sa mga emosyon. Hindi ka na dapat nag
iilusyon. Sa layo na ng iyong nararating dapat kaya mo na itong harapin. At sa
dami na nang pinagdaanan mo dapat sisiw na lang yan sa iyo. Gusto mo ng
kalimutan ang lahat at ipagpatuloy ang buhay na walang halong lungkot. Ayaw mo
ng umasa na balang araw ay babalik pa siya. Pinupukos mo ang sarili mo sa mga
bagay na iyong ikakasiya at binabali mo ang oras mo sa mga gawain na sa tingin
mo ay hindi mo siya maaalala. Pero paano kung sa ilang taon na nakalipas ay
pagtatagpuin ulit kayo ng tadhana? Yung tipong luluhod siya sa iyong harapan at
nangangarap na ibibigay mo sa kanya ang iyong kapatawaran. Ang tanong, handa mo
ba siyang bigyan ng pagkakataon na kayo ay magkabalikan o tuluyan mo na siyang
ipagtabuyan?
Everyone
deserves a second chance. Siguro naririnig niyo na ito kadalasan sa telebisyon.
Ang tanong, totoo ba ito at dapat paniwalaan? Sa aking maikling sagot, oo.
Totoo naman talaga ang second chance. Kahit ilang chance pa iyan basta mahal mo
talaga yung tao bibigyan at bibigyan mo siya ng chance para maituwid niya ang
lahat ng kanyang pagkakamali. Ito lang ang maipapayo ko, kung may taong hihingi
ng second chance sa inyo pag isipan niyo ng mabuti. Isipin mo na kapag hindi mo
talaga alam kung bibigyan mo pa ba siya ng second chance o hindi, bigyan mo,
kasi ang totoo niyan ay gusto mo pa talaga siyang bigyan, natatakot ka lang na sayangin niya
yun at sasaktan ka niya ulit. Siguro iniisip mo na paano kung hindi pa siya
magbago? Paano kung sayangin niya lang ang chance na ibibigay ko sa kanya at
saktan niya ulit ako? Pwede naman talaga itong mangyari, pwedeng pinapaasa ka
lang niya at wala naman talaga siyang balak ayusin ang relasyon niyo. Pero dapat
maging positibo lang tayo tungkol dito kaya nga tinatawag na chance diba? Ang dapat
mo lang isipin ay hindi lang ito chance para sa kanya, kundi chance din para sa
iyo. Sa pagbibigay mo sa kanya ng chance, binibigyan mo din ang sarili mo ng
chance na matanggap ang hindi mo matanggap sa kanya. Kadalasan kasi ng mga tao
ay humihingi ng second chance dahil may bagay silang hindi magawa o hindi
maibigay sayo kaya gusto nilang bumawi at punan ang mga ito. At sa pagbibigay
mo ng chance sa kanya, magigising ka sa realidad na kailangan ka pa niya at
hindi niya pala kaya na wala ka.
Kahit gaano
pa kasama ang isang tao, at kahit gaano ka grabe ang sakit na ginawa niya sayo,
naniniwala pa rin akong kayang magbago ng isang tao. Wala namang masama kung
subukan niyo ulit diba? Pero kung hindi na talaga maging maayos ang relasyon
ninyo, diyan ka na sumuko dahil baka hindi talaga kayo para sa isa’t isa. Kailan
ba dapat hindi magbigay ng chance? Sa
totoo lang, wala akong maisip na dahilan para hindi bigyan ang isang tao ng
chance. Siguro kung paulit-ulit na silang humingi ng chance pero patuloy parin
nila tayong sinasaktan, dun na siguro hindi ka na dapat tayo magbigay ng
chance. Sa ibang salita, napapagod ka na sa kabibigay ng chance at napagtanto
mo na mapapagod lang kayo at masasaktan lang ng paulit- ulit kahit ilang beses
niyo pa itong subukan. Tandaan, hindi ko sinasabing sumuko agad kayo. Ang gusto
ko ay laban lang ng laban hangga’t kaya pa. Subukan niyo lang ng subukan
hanggang sa makuha na ninyo ang tamang timpla.
Lahat
naman may karapatang bigyan ng second chance. Nasa tao lang yan kung ipapakita
niya talaga na karapat- dapat siya para dito. At tandaan, kaya kayo nasa isang
relasyon ay para magtulungan at magmahalan hindi para magsigawan at
magkasakitan. Sa buhay natin, nagagawa nating magkasala, nagagawa nating pumili
ng mga bagay na hindi tama, at darating sa punto na magsisisi lang tayo. Sa
kabila ng lahat, tayong mga tao ay nilikha na magkaroon ng kakayahang baguhin
ang lahat sa hinaharap. May kakayahan tayong itama ang lahat ng pagkakamali
natin. Kailangan lang talaga nating patawarin ang ating sarili at maging handa
sa pagpapatawad sa iba. Huwag tayong mawalan ng pag- asa dahil balang araw
magiging maayos rin ang lahat ng bagay. Sa ibang pagkakataon, ang second chance
ay hindi literal na ibig sabihin ay babalik ka sa dating mahal o kasintahan mo
at ipagpatuloy mo pa rin yung dating
ikaw dahil minsan ang second chance ay pwedeng ang ibig sabihin ay ang
paghahanap mo ng bagong mahal at magsimula ng panibagong buhay na may kasamang
bagong bersiyon ng sarili mo. Ang aking huling masasabi ay dapat nating tandaan
at ilagay sa ating mga isipan na ang second chance ay bibibigay para magbago at
hindi para umabuso dahil hindi laging libre ang second chance. Kaya kapag
binagyan ka ng pangalawang pagkakataon, umayos ka at huwag kang