Lunes, Pebrero 5, 2018

Naniniwala ka ba sa second chance?

Naniniwala ka ba sa second chance?

Ano nga ba ang second chance? Para sa akin ang second chance ay ang pagbibigay ng pangalawang pagkakatoon sa isang tao na karapat-dapat ding bigyan na ayusin ang pagkakamali nito. Nasaktan, naghiwalay, nag-iyakan, umasa at muling nagbalikan ngunit magigigng tuloy tuloy ba ang pagmamahalan ninyo hanggang sa huli? Maging maayos kaya ang takbo ng relasyon niyo pagkatapos ng lahat? Kailangan talaga nating humingi ng kapatawaran dahil hindi habang buhay idadahilan mo na tao ka lang at nagkakamali. Lahat tayo ay nagmahal at nais na mahalin, lahat tayo ay nasasaktan at may kaakayahang manakit. Minsan sa ating buhay tayo ay mabibigo at mapunta sa maling landas kaya nariyan ang  pagpapatawad na parang panliligaw, kailangan mong paghirapan bago mo makuha ang kanyang kapatawaran. Pero handa mo ba talagang ibigay ang iyong kapatawaran at bigyan ng isa pang pagkakakataon ang taong minahal mo ng lubusan?

Masaya, nakakakilig, exciting; ito ang kadalasang nararamdaman ng mga taong nagsisimula pa lang na magmahal. Nagpapakilala sa isa’t isa, nagtetext kahit gabi na, kumakain sa isang restaurant na magara, hatid sundo sa skwela at hanggang sa maging sila. Hindi maipaliwanag ang nadarama kapag nagkakasama ang dalawang taong nagmamahalan sa isa’t isa.  Walang katumbas ang kasiyahan ng taong nagmamahal at minamahal. Wala kang pakialam sa oras at sa mga taong nasa paligid mo dahil ang importante para sa iyo ay ang sulitin ang pagkakataon na magkasama kayo. Lahat ay susuwayin, lahat ay kaya mong tiisin dahil para sa iyo lahat ay tama pagdating sa taong mahal mo. Ang pakiramdam na gusto mong pigilan ang pagtakbo ng oras, yung parang hindi ka dinadalaw ng antok sa tuwing siya ay iyong kausap. Parang mabubusog ka sa kahit anong ihain sa iyong harapan  basta siya ang iyong kasama ay walang pag aalinlangan. Yung pakiramdam na nananabik kang makita siyang muli kahit ilang oras pa kayong nagkawalay at yung pakiramdam na kinikilig ka kapag binibigyan ka ng iba’t ibang  bagay. Ang lahat ng bagay ay puno ng kasiyahan at pagmamahalan ngunit hindi mo maiiwasan na may darating na kamalasan na susubok sa inyong samahan.

Kadalasan sa mga nagmamahal ay dumarating sa punto na hindi na sila masaya at pakiramdam nila ay nakakasawa na. Maging babae man o lalaki , ito ang kadalasang naging mali nila. Yung pakiramdam na titingin na sila sa iba, yung parang wala na silang pakialam sa relasyon ninyong dalawa. Hanggang sa aabot sa punto na mag aaway kayo ng paulit-ulit at mararamdaman ninyong nakakapagod na. Hindi na kayo nagkakaintindihan, wala na kayong pakialamanan. Ang masakit pa doon kung sino pa yung nagkasala siya pa yung may ganang mang iwan. Ngunit paano kung ang bawat pangarap na magkasama ninyong binuo; pangarap na may halong pangako na kayo parin hanggang dulo, pangako na “walang magbabago, tayo pa rin mahal ko”, ay bigla na lang maglaho. Sa bawat matatamis na ngiti sa labi, akala mo ay ang wagas na pagmamahalan ay walang katapusan. Aaminin man natin o hindi, mayroong kasabihan na “hindi tayo masasaktan kung wala tayong nararamdaman”. Sa bawat musikang iyong maririnig kasabay ng tahimik na pagpatak ng iyong luha ay maaalala mo ang inyong masasayang simula. Yung tipong wala kang ganang kumain at wala kang  ganang lumabas dahil natatakot ka na baka makita mo siyang may kasamang iba. Darating sa punto na tatanungin mo ang sarili na “ano ba ang nagawa kong kasalanan?” “ano ba ang aking pagkukulang?”  akala mo’y sinumpa ka ng tadhana na pakiramdam mo ang sumpang ito ay hindi na mawawala. “KALIMUTAN” salitang madaling bitawan pero ang hirap panindigan lalo na kung ang gusto mong kalimutan ay ang taong minahal mo ng lubusan.

Sa bawat pagmamahal alam naman nating may pagsubok na dadaan pero huwag naman sana tayong magpadala sa tukso at huwag nating hayaang masira ang isang pagsasamahan. Ilang araw, linggo, buwan, at taon kang nagluksa hanggang sa darating ka na sa puntong masasabi mo na pagod ka na sa kakaiyak, pagod ka na sa kakamukmok. Pagod ka na sa paggawa ng mga bagay na wala namang saysay. Pagod ka na sa araw-araw na pag aalalang kakayanin mo ang lahat ng bagay. Naisip mo na dapat hindi ka na nagpapakulong sa mga emosyon. Hindi ka na dapat nag iilusyon. Sa layo na ng iyong nararating dapat kaya mo na itong harapin. At sa dami na nang pinagdaanan mo dapat sisiw na lang yan sa iyo. Gusto mo ng kalimutan ang lahat at ipagpatuloy ang buhay na walang halong lungkot. Ayaw mo ng umasa na balang araw ay babalik pa siya. Pinupukos mo ang sarili mo sa mga bagay na iyong ikakasiya at binabali mo ang oras mo sa mga gawain na sa tingin mo ay hindi mo siya maaalala. Pero paano kung sa ilang taon na nakalipas ay pagtatagpuin ulit kayo ng tadhana? Yung tipong luluhod siya sa iyong harapan at nangangarap na ibibigay mo sa kanya ang iyong kapatawaran. Ang tanong, handa mo ba siyang bigyan ng pagkakataon na kayo ay magkabalikan o tuluyan mo na siyang ipagtabuyan?

Everyone deserves a second chance. Siguro naririnig niyo na ito kadalasan sa telebisyon. Ang tanong, totoo ba ito at dapat paniwalaan? Sa aking maikling sagot, oo. Totoo naman talaga ang second chance. Kahit ilang chance pa iyan basta mahal mo talaga yung tao bibigyan at bibigyan mo siya ng chance para maituwid niya ang lahat ng kanyang pagkakamali. Ito lang ang maipapayo ko, kung may taong hihingi ng second chance sa inyo pag isipan niyo ng mabuti. Isipin mo na kapag hindi mo talaga alam kung bibigyan mo pa ba siya ng second chance o hindi, bigyan mo, kasi ang totoo niyan ay gusto mo pa talaga siyang  bigyan, natatakot ka lang na sayangin niya yun at sasaktan ka niya ulit. Siguro iniisip mo na paano kung hindi pa siya magbago? Paano kung sayangin niya lang ang chance na ibibigay ko sa kanya at saktan niya ulit ako? Pwede naman talaga itong mangyari, pwedeng pinapaasa ka lang niya at wala naman talaga siyang balak ayusin ang relasyon niyo. Pero dapat maging positibo lang tayo tungkol dito  kaya nga tinatawag na chance diba? Ang dapat mo lang isipin ay hindi lang ito chance para sa kanya, kundi chance din para sa iyo. Sa pagbibigay mo sa kanya ng chance, binibigyan mo din ang sarili mo ng chance na matanggap ang hindi mo matanggap sa kanya. Kadalasan kasi ng mga tao ay humihingi ng second chance dahil may bagay silang hindi magawa o hindi maibigay sayo kaya gusto nilang bumawi at punan ang mga ito. At sa pagbibigay mo ng chance sa kanya, magigising ka sa realidad na kailangan ka pa niya at hindi niya pala kaya na wala ka.

Kahit gaano pa kasama ang isang tao, at kahit gaano ka grabe ang sakit na ginawa niya sayo, naniniwala pa rin akong kayang magbago ng isang tao. Wala namang masama kung subukan niyo ulit diba? Pero kung hindi na talaga maging maayos ang relasyon ninyo, diyan ka na sumuko dahil baka hindi talaga kayo para sa isa’t isa. Kailan ba dapat hindi magbigay ng  chance? Sa totoo lang, wala akong maisip na dahilan para hindi bigyan ang isang tao ng chance. Siguro kung paulit-ulit na silang humingi ng chance pero patuloy parin nila tayong sinasaktan, dun na siguro hindi ka na dapat tayo magbigay ng chance. Sa ibang salita, napapagod ka na sa kabibigay ng chance at napagtanto mo na mapapagod lang kayo at masasaktan lang ng paulit- ulit kahit ilang beses niyo pa itong subukan. Tandaan, hindi ko sinasabing sumuko agad kayo. Ang gusto ko ay laban lang ng laban hangga’t kaya pa. Subukan niyo lang ng subukan hanggang sa makuha na ninyo ang tamang timpla.
        

Lahat naman may karapatang bigyan ng second chance. Nasa tao lang yan kung ipapakita niya talaga na karapat- dapat siya para dito. At tandaan, kaya kayo nasa isang relasyon ay para magtulungan at magmahalan hindi para magsigawan at magkasakitan. Sa buhay natin, nagagawa nating magkasala, nagagawa nating pumili ng mga bagay na hindi tama, at darating sa punto na magsisisi lang tayo. Sa kabila ng lahat, tayong mga tao ay nilikha na magkaroon ng kakayahang baguhin ang lahat sa hinaharap. May kakayahan tayong itama ang lahat ng pagkakamali natin. Kailangan lang talaga nating patawarin ang ating sarili at maging handa sa pagpapatawad sa iba. Huwag tayong mawalan ng pag- asa dahil balang araw magiging maayos rin ang lahat ng bagay. Sa ibang pagkakataon, ang second chance ay hindi literal na ibig sabihin ay babalik ka sa dating mahal o kasintahan mo at ipagpatuloy mo pa rin  yung dating ikaw dahil minsan ang second chance ay pwedeng ang ibig sabihin ay ang paghahanap mo ng bagong mahal at magsimula ng panibagong buhay na may kasamang bagong bersiyon ng sarili mo. Ang aking huling masasabi ay dapat nating tandaan at ilagay sa ating mga isipan na ang second chance ay bibibigay para magbago at hindi para umabuso dahil hindi laging libre ang second chance. Kaya kapag binagyan ka ng pangalawang pagkakataon, umayos ka at huwag kang 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento